Hi, Ako nga pala si Francisco Lar. Ang tawag sa akin ng mga tropa ko sa Batangas, Isko. Ang bantot no? Si Lola kasi pinangalan ako sa lolo ko. Pati ba naman nickname ay binigay din sa akin.
Frustrated magsasaka ang lolo ko. Muntikan na siyang mag-Agriculture sa UPLB dati pero hindi siya pinayagan ng lola ko sa tuhod kasi baka daw maging NPA ang lolo ko. Kaya nun nagpilian ang mga kaklase ko ng campus para sa UP, sila UP Diliman ang unang pinili pero ang lolo ko sabi UPLB daw ang piliin ko. Ayoko actually. Kasi ung crush ko sa UP Diliman gustong mag-aaral. At saka sa Batangas, sikat ang mga nag-aaral sa Maynila. Taga-probinsya na nga kami sa probinsya pa rin ako mag-aaral? Sinabi ko sa nanay ko ayaw ko sa UPLB mas gusto ko sa Maynila mag-aral. Pero sa huli, binolpen ng nanay ko ang first campus na UPLB kesa UP Diliman. *sikreto lang natin to pero balak kong magpalipat sa UPD pag pwede na...shhh*
Me pinsan kasi akong nag-aral ng UPLB. Sabi nya mahirap daw ang Math 11 dun. Eh hindi ko naman forte ang math baka hindi ako maka-graduate kaka-ulit ng Math ko. T_T, Pero sabi naman ng pinsan mo masaya daw dun. Anong masaya na mag-aral sa bundok? Taga-kapatagan na nga kami eh pupunta pa ako ng bundok?
Tapos gusto kong maging manunulat. Ayaw naman ng nanay ko. Pero sinabi ko na lang sa kanya na mas madali ang math ng Communication Arts. Pero sabi ng pinsan ko puro mga bakla daw ang lalaki sa course na un. Pero maganda daw ang mga babae dun. *kislap ng mata* Magandang...motivation un, right? *iling* Hindi loyal ako ke crush!
Naisip ko nang patagong kumuha ng test sa ibang mga course. Testing center naman ang school ko kaya hindi mahirap un. Kaso kailangan ko ng pera para makapag-apply at pambayad sa entrance test. Okay rin un no, nagbabayad para sa isang test lang. Ako na nga ang mahihirapan sila pa ang babayaran ko? Astig.
Nang araw ng test katabi ko si crush. Sabi ko sa kanya "Break a leg." Mahilig kasi sya sa pagsali ng mga play kaya lagi din akong parte ng production. Pero usually taga-buhat lang ako ng mga props. Pero at least kilala niya ako at "friends" kami.
Sana lang pumasa siya sa UP. Para kapag pwede na pupuntahan ko siya sa UP Diliman at hindi na kami alangan.
Sabi ng pinsan ko galingan ko daw ang pagsheshade kasi pag hindi maayos kahit ok ang sagot ko, mali pa rin. *shades*
Hmm...papasa kaya ako?
No comments:
Post a Comment