Tuesday, May 10, 2011

PCO: Bromance vs Romance

Pagkatapos pumila at magparegister, tumaas na kami ni mama. Sa Makiling Ballroom daw kami. Maluwag naman ang lugar pero hiwalay ang parents sa aming mga freshman. Mejo marami na ring mga freshman duon kaya hindi naman ako naasiwa. Ang the best sa lahat, AIR-CON ang lugar! Pakiramdam ko ice cream akong natutunaw kanina sa sobrang init. Napa-haaaay ako nang maupo ako sa silyang malapit-lapit sa aircon. Me tumayo sa tapat mismo ng aircon, amoy pawis sha kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang init dito noh?" nakangising tanong nito na patuloy pa rin ang pagpupunas ng pawis. Natanong ko sa sarili ko kung naligo ba ito. Amoy kili-kili na ang paligid ko. Naglabas ako ng Ax at inabot dito. Natawa ito saka ginamit ang chocolate scent na AX ko. Natawa din ako kasi akala ko talaga sasapakin niya ako.

"Salamat ha, amoy anghit na talaga ako. Ang init kasi sa labas, pawisin pa naman ako. Esdee, pare." Hindi ko siya makakalimutan kahit kelan dahil si Esdee ang una kong nakilala sa UPLB.

BS Biology ang kurso niya. Mejo nagtaka siya kung ano ang Communication Arts. Sabi ko gusto kong maging writer kaya ang balak kong major ay Writing. Hindi pa niya alam kung anong kukunin nyang major, saka na daw niya iisipin.

Nang sinabihan kami ng emcee ng PCO na kailangan naming makakilala ng labinlimang tao nagtandem kami ni Esdee sa pagpapakilala. Syempre sa mga girls muna kami lumapit, para daw sulit sabi niya dahil hindi na kami magkakaroon ng free pass na magpacute sa ibang pagkakataon. Kahit cp number hinihingi ni Esdee. Kahit hindi ganun kaganda, sinusulat nito ang number sa isang maliit na moleskin na notebook. Kulay green iyon at mejo me kakapalan.

"Bakit kinukuha mo ang number nilang lahat? Itetext mo ba lahat ng mga iyon?" tanong ko sa kanya. Umiling ito. "Eh, bakit mo pa kinukuha?"

"Para hindi halata na ung mga magaganda lang ang gusto ko." natawa ako sa sinabi ni Esdee. Mukhang chickboy ang isang to, sabi ko sa sarili ko. "Ikaw ba, nagka-gf ka na ba?" tanong nito.

"Ha? Hindi pa eh. Pero me girl akong gusto nung highschool. Dito rin siya mag-aaral." nanlaki ang mga mata ni Esdee sa sinabi ko.

"Talaga, ang swerte mo naman!" nasaway kami ng isang Ate na Gabay dahil sa hindi kami masyadong nakikinig sa nagsasalita sa harap. Nakakahiya!
Pagkatapos noon ay nakinig muna kami at saka naghiwalay para sa tinatawag nilang "small groups".

Naupo kami sa ilalim ng isang puno ng acacia. Buti na lang kasi nag-aalala ako na baka wala kaming maupuang malilom. Me isa akong kasama na nakaputing pantalon, ipinahiram ko ang panyong pinadala ni Insan. Nagpasalamat siya sa akin at sinabing hinding-hindi na siya magpuputing pantalon mula sa araw na iyon. "Hindi, bagay naman sa iyo. Hindi lang bagay sa pagkakataon."

Ang GABAY namin sa small groups ay si Kuya Gabs at Ate Simon. Marami silang naituro sa amin at marami sa mga katanungan ko ang nasagot. Isa sa pinoproblema ko talaga ay ang ibig sabihin ng mga abreviation sa classroom na nasa tinatawag na "form 5". Un ang unang beses kong narinig ang terminong iyon kaya nagtaka ako kung ano ba yung sinasabi nilang "form 5". Importante daw na huwag namin iwala ang original niyon dahil sa ibang mga subjects pipirmahan ng teacher ang tabi ng subject sa form 5 para maverify na nagbayad talaga kami ng buo bago nag-exam.

Sa dami ng mga paalala ni Ate Simon at Kuya Gabs, feeling ko information overload ang inabot ko. Isang oras na puno ng mga policies, reminders at pati na ang mga jokes at bully stories na nararanasan ng mga freshman. Sobrang daldal ni Ate Simon. Si Kuya Gabs naman sobrang kwela. Para silang nagkokomedy duo sa harap namin. Noon ko lang narealize na minsan pwede kang matuto kahit makulit ang mga teacher.

Lumipas ang umaga na hindi ko naaalala si "Crush" hanggang nakita namin sila ni mama. Kasama niya ang mom at dad niya sa pag-eenrol. Mukhang nag-kotse sila papuntang UPLB kaya kasama ang tatay niya.

"Tapos ka nang mag-enrol?" tanong nito.

"Oo, regd na ako."

"Regd?" nagtaka ito sa sinabi ko.

"Un na daw ang tawag eh hindi enrolled. Registered." mejo mayabang ako kasi ako nakapag PCO na at si Crush hindi pa.

"Wow, wala pang isang araw ang dami mo na atang alam ah." hirit niya sa akin.

"Oo, nag-PCO kasi ako. Attend ka ha?"

"Baka naman boring sayang ang oras." mukhang ayaw ni Crush umatend ng PCO.

"You'll miss half of what you need to know if you don't." me narinig akong humahangos papunta sa amin. Si Esdee!

"Bro, nang-iiwan ka naman." habol nito ang hininga saka napanganga nang makita si Crush.

"Oh, hi. Ako nga pala si Esdee. BS Biology." inoffer agad nito ang kamay ke Crush na nakipagkamay din.

"Thea. Math and Science Teaching."

Uh-oh. Parang me mali.

"Sige, Thea. Una na kami ni Esdee. Baka hinahanap na siya ng nanay niya."

"Teka lang hindi ko pa-" Alam ko nang number ni Crush ang hihingin nito kaya inilayo ko na agad si Esdee. Mahirap na.



No comments:

Post a Comment