Excited na excited ako kaya hindi ako masyado makatulog the night before. Borlogs pa ako pero dahil alas-kwatro na ay ginising na ako ng mama. Gustuhin man naming mag-drive papuntang UPLB gusto ng mama na matutunan kong mag-byahe kaya't napagdesisyunang mag-bus na lang. Kasama dapat si Insan pero tinatamad siyang gumising ng maaga, binigay na lang niya ang instructions sa mama.
Sumakay kami ng bus na papuntang Turbina. Sabi ni Insan HUWAG DAW KAMI SASAKAY SA MGA ONE-STOP na bus dahil hindi daw un nadaan ng Turbina. Bumaba kami ni mama sa may gas station sa tapat ng JAM na station sa me TURBINA para makasakay ng Jeep na papuntang College. Mag-ingat daw kasi sa sasakyan kasi dati daw nakasakay si Insan ng Jeep na papuntang Balibago. T_T
Mejo mabilis naman ang biyahe kaso mejo mainit. Nang makarating sa Crossing Calamba ay na-realize ko na ang Laguna ay para lang Batangas, me mga parteng parang bukid na kasama na sa geography ng mga mismong siyudad.
Nakakatuwa naman na me SM CALAMBA na pala. At least hindi na ako uuwi or pupuntang Manila para manuod ng sine. Naisip ko kung me SM din sa me Los Banos. Sana me matinong sinehan dun. Mejo malayo kasi mula sa Calamba eh.
Nang makarating kasi sa me gate ng UPLB nagtaka ako kung bakit wala talagang gate. Nagtanong pa kami kung saan ang gate ng UPLB. Sabi ng guards na pulis pala (UPF ata ang tawag sa kanila. Later nalaman ko na Pigoy pala ang tawag ng mga studyante sa kanila) na nandun na daw kami sa gate. Kita na namin ni mama ang malaking sementong pangalan ng U P Los Banos.
Mukhang malaki talaga ang magiging bago kong school. Nagtanong kami ni mama kung saan ang Student Union Building at ang sabi ni Manong Pigoy mejo malayo daw lakarin so kung gusto daw naming mag-jeep eh sa kanan kami sumakay. Mejo nalito kami ni mama sa sinabi ni manong. Pero sumakay pa rin kami sa may dilaw na waiting area. Dun daw kasi dapat pumara at bumaba.
Tinanong ni mama kung saan daw ang Student Union Building sa driver na nagngangalang Kuya Third. Nainterview na ni mama ang driver bago pa man nakaalis ang jeep sa hintayan. Dati daw student ng VetMed si Kuya Third at nag-iipon siya para sa pagpapatuloy nitong mag-aral. Ako naman tahimik lang, mejo scary kasi si Kuya kahit na lagi syang nakangiti.
Pinababa kami ni Kuya T sa me harap ng isang field. Sabi niya maglakad na lang daw kami mula duon dahil hindi pwedeng lumiko ang jeep niya sa gitnang kalsada. Nakita namin ni mama na me mga pamilya at mag-iina na ring pakalat-kalat sa harap ng isang puno ng Acacia.
Bumaba kami sa hadgan papunta sa isang pababang garden. Iyon ang unang beses na nakatungtong ako sa tinatawag nilang S.U. Building.
Ang una kong naisip at tinanong sa mama ko, "San kaya ang banyo dito?"
Hey. Incoming freshie ka din?
ReplyDelete*smiles*
Karina here. BS Dev Com pala.