Tinanong ko ang pinsan ko kung ano ung Pre-College Orientation.
Pinsan: Ah, PCO? Ang alam ko me games na konte tapos me mga makikilala kang mga volunteer. Ang natatandaan ko me isang guy na nagsalita tungkol sa mga services ng OSA dun, Office of Student Affairs un. Under ng CTD un o Counseling and Testing Division. Later me bloc meeting din un. Naalala mo ung t-shirt kong me mushroom? Bloc shirt namin un.
Isko: Pwede bang hindi na umatend nun? Sayang ang oras eh. Ayaw din ni nanay umatend ng Parent's Orientation eh.
Pinsan: *tawa* Naku paatendin mo si tita dun. Me kaibigan akong GABAY, un ung grupo ng mga volunteer sa CTD na naghahandle ng PCO at ibang freshmen activity, na nagsabi na sinasabihan daw ang mga magulang na taasan ang allowance ng anak nila kasi malayo na ang school ngayon.
Isko: Okay un ah. Sige. Si mama papapuntahin ako maglilibot na lang ako.
Pinsan: Umatend ka na. Si "crush" aatend din un for sure. Bonding time nyo na rin.
Isko: Hindi kami pareho ng araw ng PCO eh.
Pinsan: Sayang naman...pero umatend ka na rin. Malaming naman kasi aircon. Sobrang init sa UPLB pag summer. Parang piniprito ka lang. Magdala ka ng tubig, panyo at payong.
Ayon ke pinsan ito ang mga dapat gawin:
1. Huwag magpahuli sa registration.
Marami daw tao kaya dapat na magparegister ng maaga para me maupuan agad ako.
2. Suutin ng maayos ang name tag.
Para daw instant sikat ako dahil ISKO ang nickname ko wag ko daw ikahiya. *pero ang balak kong palitan ang nickname ko ng Fran dahil college student na ako dapat lumevel up*
Wag ko daw kalimutang hubarin pag tapos na ang PCO kasi baka daw sumikat ako masyado.
3. Huwag kung saan-saan ilagay ang gamit.
Huwag ko daw iwala ang mga papeles ko at baka hindi ako makapag-enrol kung saka-sakali. Kung pwede daw sa mama na lang muna ang mga papeles para hindi mawala. Ipaxerox daw namin para hindi kailangang ilabas ang orig palagi.
4. Mag-enjoy lang at wag KJ.
Sabi niya me mga parts daw na hindi ganun ka-fun pero madalas sa hindi ay me mga cute na batchmates na pwede kausapin. Makipagkilala daw ako sa maraming mga magaganda at sa mga mukhang matalino. Wag daw akong killjoy para maenjoy ko ng totoo ang PCO. Wag daw akong magpadala sa mga sinasabi ng iba. Kumbaga sa pelikulang INCEPTION, pwedeng ang maganda sa akin hindi magets ng iba.
5. Makinig ng mabuti
Sabi ni Insan dahil marami na rin siyang hindi alam kung tama pa ay dapat makinig daw ako ng mabiti. Mejo pigilan ko daw na antukin kapag nakapatay ang ilaw at makinig ako sa mga sinasabi ng magsasalita kasi mas mabuti na daw na alam ko para hindi magkamali ng hindi sinasadya.
6. Magtoothbrush bago pumunta
Marami daw akong makikilalang bagong tao, dapat daw hindi bad breath. First impression might be the last daw. Sayang naman kung ang matatandaan lang nila sa akin ay ang amoy bawang kong bibig dahil sa sinangag (garlic rice) na kinain ko. Sayang naman.
7. Magdala ng tubig at 2 panyo.
Kung sakali daw na uupo kami sa damuhan mas ok na me dala akong panyo na pwedeng upuan. At sa sobrang init, kailangan kong magpunas ng pawis maya't maya kaya magdala na lang daw ako ng panyo kesa tissue. Biology kasi ang tinapos ni Insan. Adik un sa pagiging environmentally-friendly.
At mahirap daw na patayo-tayo so para hindi na kailangang bumili ng tubig sa kalagitnaan ng mga kaganapan, magdala na daw ako ng sarili kong tubig.
8. Magdala ng dalawang ballpen.
Ang pinakamadali daw na way para magkaroon ng bagong kaibigan sa unibersidad ay ang magdala ng extrang ballpen sa lahat ng pagkakataon. Kasi kung me taong hindi makasulat dahil walang dalang ballpen, pwede ko raw pahiramin. Kung nagkataon daw na cute ung hihiram, swerte ko pa raw.
Wag lang daw ung Parker na regalo nya ang ipahiram ko kasi baka hindi na ibalik.
9. Huwag daw magtatakong (read as high heels shoes)
Hindi ko alam kung bakit naisip na sabihin sa akin ito ni Insan. Pero sabi niya nung siya daw nakawedge noong PCO nya at nahirapan siya kasi malayo-layo ang nilakad nila papuntang SU (kung san man un) at muntikan na daw siyang umayaw dahil sa sakit ng paa nya.
10. Wag ma-culture shock
Nung unang dating nya daw doon parang probinsya rin nga pero ang mga tao daw me pagka-kakaiba. Wag daw akong matakot kung parang naka-asukal ang mga tao o di kaya ay hindi namamansin at laging nagmamadali. Ang UPLB daw ay isang welcoming na community basta raw matuto ako ng mga basics na dapat gawin o hindi gawin. Kung me tanong daw ako, itanong ko agad kesa me kakaiba pa akong magawa ng hindi sinasadya.
11. Pakipot muna sa mga organizations
Wag ko daw ibigay ang number ko kahit me cute na ateng lumapit sa akin para tulungan ako kuno sa pagpasok ko sa university. BAWAL DAW SUMALI NG ORGANIZATION ANG ISANG FRESHMAN. Pasaway kasi si Insan kaya ginawa nya pa rin un dati. Ung mejo naging tagilid ang mga grades nya ng sem na un. Galit na galit daw ang daddy nya. Saka na lang daw ako sumali ng org or magpa-cute sa ibang tao. Sa mga kapwa ko freshmen ko muna daw ako magpa-cute.
12. Maging Bibo
Okay lang daw maging bibo sa pakikinig at pagtatanong basta wag daw OA. Tandaan ko daw na ilang taon ko ring magiging schoolmate ang mga makikilala ko dun. Me kakilala daw sha na nahulog sa hagdan sa kaharutan hanggang ngayon tanda pa rin niya un tungkol sa taong un. Wag daw akong mag-Miriam Quiambao. Nakakahiya.
13. Taas Noo (si) Isko ako
Maging proud daw ako at buksan ang isip sa ganda ng UPLB. Wag daw akong mahiya na hindi ako sa Diliman mag-aaral. Kasi pare-pareho lang naman daw kaming Iskolar ng Bayan. Ang kagalingan daw ng isang unibersidad ay ang puso ng mga mag-aaral. Maging bukas daw ako sa lahat ng bagay na kaakibat ng pagiging isang UPLB student.
*Excited na tuloy akong pumunta ng UPLB. Hindi na lang ako maniniwala dun sa nabasa ko sa Facebook na boring ang PCO. Siguro tama si Insan, iba-iba tayo ng karanasan. Kung nega kang tao pwes malamang sa hindi nega din ang dating nga kahit anong magandang pangyayari sa iyo.
Hindi naman ako nega na tao, so mag-eenjoy na lang ako.
No comments:
Post a Comment