MAKISUKOB WAG MATAKOT by DILIMAN REPUBLIC |
Gusto ko sanang bumili ng UP umbrella pero saka na lang siguro.
Me nakita akong mga nagtatakbuhan at mga basa na. Feeling ko naman hindi na sila mga freshman. Ang ilang mga freshman basang sisiw pa rin kasi kahit na me payong sila, hindi ganun katubay kaya nabaligtad. Buti na lang naisip kong maglong-sleeves so hindi ako masyadong nilamig.
Dapat siguro magpabili ako me mama ng windbreaker or parka para mas astig. I am sure maiinis siya kasi mejo mahal pero sure naman akong magagamit ko ung sa stay ko sa UPLB. Sabi ni Kuya Gabs dapat daw adaptive ang mga students sa weather sa Elbi at mag-vitamins na rin kasi kung mahina ang resistensya mo hindi mawawala ang sipon mo kahit fresh air pa ang sinasagap mo.
Gusto ko ito simple lang.
Bagay to ke <3 Thea!
Meron akong nakitang mga hoddie at mga windbreaker na nabibili sa isang local store sa may grove. Try ko din mag-canvass dun pag me allowance na akong naipon.
For now, ok na ako sa payong ko. Buti na lang waterproof ang nirecommend na bag ni Insan ke mama. Kung hindi basa na agad ang mga gamit ko.
Kung blessing ang ibig sabihin ng ulan sa araw ng birthday ng isang tao, siguro ang malakas na ulan na ito ay blessing sa aming mga bagong UPLB students sa first day ng klase.
Basta daw ba mag-ingat ako sa mga nahuhulog na palapa ng "Beverly Hills" ng UPLB. Kasi hindi cum laude ang lagpak ko kundi comma.
So ingat mga kapwa ko Freshies! Paulanin natin ng happy memories ang first sem natin, k?
No comments:
Post a Comment