Hindi ko mashadong idinetalye ang mga nangyari sa small groups dahil naisip ko na mas astig kung ihihiwalay ko sila ng kwento.
Sabi ko nga dati information overload ung isang oras na usapang iyon kaya isa-isahin natin ang natutunan ko.
Una naglabas ng isang maliit na backpack si Ate Simon at inilabas niya ng laman ng kanyang "Freshman Survival Bag"
Ang mga bagay na laman ng bag ay ang mga sumusunod:
1. 2 Ballpen
*tama si Insan dapat more than one ang ballpen na dala mo at all times*
Ate Simon: Dapat dalawa ang ballpen ninyo. Pwede blue, pwede black or parehong black or isang black at isang me glitters. Basta me isang black dahil minsan kailangan ninyong pumirma sa mga official na documents mas malinis tingnan ang black kesa sa neon orange na ballpen.
2. Blue Book
Ate Simon: Sa mga super newbies, ang Blue Book ang ginagamit na office "test paper" sa UP. So try nyo laging me blue book sa bag in case me test na unannounced o di kaya ay nalimutan niyo na me exam kayo that day. Ok lang walang aral basta me blue book. Magdala ng 2 para me mapahiram sa katabi or in case uulit kayo dahil wala kayong nasulat na matino sa unang essay na sinulat ninyo.
3. Nissin Wafer
Ate Simon: Less than 30 pesos ang isang pack nito. In case magutom kayo at wala kayong makain dahil naubos nyo na ang baon ninyo, at least me pantawid kayo ng gutom until makuha ninyo ang baon na ipapadala ng inyong mga parentals. This wafer saved my life and helped some of my hungry classmates through a lot of sudden gutom moments.
4. Spill-proof water tumbler/bottle
Ate Simon: Lock and Lock ang the best na brand kasi super spill proof talaga sha. Unless ibato ninyo sa ibang tao, bago dugo ang mag-spill. Wag un sports bottle ng Lock and Lock, epal un. Natulo pa rin. Ung blue ang takip at walang strap. Bumili na lang kayo ng bag na me saksakan ng bote o di kaya hayaan nyo na lang na aalog-alog sa bag ninyo ang bote na yan. Pwede rin na me lalagayan kayo ng bote na "pawis proof" ika nga. Never hurts kasi baka mabasa ang mga papers nyo, mahirap na.
5. Coin purse
Ate Simon: It never hurts to be safe. Ilagay ang lahat ng barya sa isang lugar para hindi na magbubuklat ng wallet pag nagbabayad sa jeep. Kahit sa probinsya me mandurukot. Sayang ang wallet.
6. Yellow paper
Ate Simon: Kung ayaw ninyong magnotebook ok na dito magnotes, para madaling ipaxerox. Pero siguraduhing me copy kayo para hindi mahirapang mag-aral kapag finals na.
7. Handy-dany notebook / organizer
Ate Simon: Dito pwede isulat ang mga number ng mga tao na makikilala ninyo, schedule ng exams, project, urls ng website, book number, pangalan ng prof, contact numbers ng mga classmates, doodles ng mga pangalan ng crush, presyo ng mga pagkaing nagustuhan ninyo. Pwede rin kayong magkeep ng sarili ninyong diary. Wag nyo nga lang iwawala ang notebook na ito, baka me ma-scandal sa inyong mga sinulat.
Pwede rin itong sipitan ng mga 1x1 picture, class card at kung ano-ano pa.
8. Index card
Ate Simon: Mahilig magpaganito ang mga teacher lalo na sa mga freshies at large class. Way nila ito so hindi nila kailangang mag-save ng name ninyo sa utak nila. Dito ninyo isusulat ng mga info na kailangan nila like name course etc. Me kasama itong picture so magdala na rin kayo ng glue o maliit na stapler.
9. School Supplies kit
Ate Simon: Kailangan niyo ng glue, maliit na stapler, gunting na folding o mas malaki kung trip nyo, highlighter, higlighting pencil, eraser na pwede sa pen or pencil, white out na tape o ung pen, scotch tape, double-sided, bala ng stapler, at kung ano pa mang maisip ninyong dalhin. Kung artist kayo pwede kayong magdala ng charcoal pencil at kung anu-ano pang trip ninyong dalhin.
Hiwalay pa ito sa kikay kit, ha. Ung bahala na kayo sa kung anong gusto nyong dalhin.
10. Emergency Kit
Ate Simon: Wala na kayo sa bahay. Ako nung dumating ako dito hindi ko alam kung anong gamot ang dapat inumin pag me sakit ako. So ang ginawa ng nanay ko me instructions na nakalagay sa plastic at me mga common na gamot na nakalagay dun. Marami na akong napautang ng gamot dahil noon. Kung me special kayong gamot or me allergies kayo that would come in handy.
11. Kikay kit / Travel toiletries
Ate Simon: Sa apat or so ninyong taon dito sa UPLB, hindi iisang beses na kakailanganin ninyong makitulog sa bahay ng kaklase ninyo dahil sa report, project or kung ano pa mang dahilan. Kaya dapat nasa bag ninyo ang essentials ninyo para makapagtoothbush o magkapag-ayos para makapasok sa class ninyo the next day. Hindi rin impossible na magkaroon ng biglaang ligo time sa mga hot springs dito.
Dadagan
12. Condoms
*actually nasamid ako nang makita ko na condom na Trust pala ang nasa blue na box na iyon. Strawberry flavor pa!
Ate Simon: UPLB was known as an abortion capital a few decades ago. All of your parents are scared that you would either get pregnant or knock someone up. Kaya mas maiige na ang nag-iingat. Pero ang mas maganda ay maghintay kayo ng tamang pagkakataon kung kailan handa na kayo sa consequences ng inyong actions. Kung me tanong kayo, si Kuya V, sex therapist sha. So sya ang kausapin nyo.
Siguruhin alisin ito sa bag bago umuwi ng weekend sa bahay ninyo or baka i-pull out kayo ng mom nyo from UP.
13. I.D. or any identification
Ate Simon: Mas maganda na me extra kayong ID kahit postal ID lang sa lugar ninyo dahil kung maiwala ninyo ang student ID ninyo me extra pa kayong identification. Mas madali ding magbukas ng cash card or bank account sa bank. Para sa mga walang ID lard or ung pangsabit ng student ID bumili na kayo. Kung marunong kayong gumawa ng friendship bracelet, pwede kayong gumawa ng mas mahabang ganun. Wear your ID proudly and don't loose it. Nakakaloka ang palitan iyon. K?
14. Foldable na payong
Ate Simon: Eratic ang weather dito sa ating maligayang bundok. Minsan mainit sa umaga tas uulan sa hapon. Magaling na ang me protection. Wala akong pake kung Fibrella man yan o ung tig-sisingkwenta pesos lang pero have an umbrella. You will keep this habit kahit na saan kayo mapunta, it'll come in handy, pramis.
15. Extra tsinelas
Ate Simon: You can never can tell. If me lab kayo nakarubber shoes kayo dapat or closed shoes pero kapag nasa labas na kayo hassle minsan magsapatos so might as well have slippers. At in case mapigtal ang pa-cute nyong sandals ay hindi kayo magtatapak.
16. Tissue or panyo or maliit na towel
Ate Simon: Again, in case makitulog kayo at least me pangpahid kayo pag nakiligo kayo. Or dahil sa sobrang init dito, you need something na pamunas sa balde-baldeng pawis nyo.
+==+
Napaisip ako ng kung ano pa ang pwede kong ilagay sa bag ko pero para un palang mabigat na. Shempre pa mga books din at mga xerox ng hand-outs. Kung gusto ko daw magdala ako ng "file case" para sa mga bagay na ayaw kong mabasa sa bag ko. Extra ingat na rin daw un.
Kayo, ano pa ang pwedeng ilagay sa survival bag nyo?
No comments:
Post a Comment