Tuesday, June 7, 2011

AlmOSAlan, Campus Tour and Convocation : Intro

Super busy ako lately. Sinulit ko na kasi ang bakasyon ko. Bumalik na ako ng UPLB. Ga-dram ata ang iniyak ni mama nang iwan niya ako sa dorm. Nagkalituhan pa kasi me topak ata ang system ng dorm appointments and slots. Pero swerte naman na walang problema. Maraming mga nahaggard sa Systemone. Saka ko na lang daw un problemahin sabi ni Insan. Marami naman daw matatanungan na Gabay about that.

Nang gumising ako para sa AlmOSAlan, natuwa ako kasi FREE FOOD! Sabi ni Insan, mag-enjoy daw ako habang marami pang mga pakulo ng mga cheverloo para sa mga freshman. Nung sha daw ang "freshie" ay mga organization pa ang nagpapa AlmOSAlan. Pero sabi ni Ate Simone dahil me mga iba daw na org na hindi makagets na bawal mag-tap or recruit ng mga new freshman, ay minabuti na lang ng OSA na sila na lang ang bahala.

Sayang, sabi pa naman ni Insan super bundat daw siya nung AlmOsalan. After ng AlmOSAlan ay may convocation. Pero bago ang dalawang ito, merong CAMPUS TOUR. Mya ko na ikwento ang ginawa namin dun, k?

Sa dati daw na convo dalawa lang ang speakers. Parang sila ang BATCH REPRESENTATIVE ng batch na un. Nagiging DJ daw sa isang Freshman program sa Campus Radio ng UPLB ang dalawang iyon. *actually apat daw nung time ni Insan* Pero this time dalawa ang major speakers tapos me mga speakers per college. Para hindi ma-OP ung mga students na hindi kasya sa DL Umali Hall. Sabi ni Ate Simone mga blocmates daw nya ang hindi nakanuod sa kanya kaya dapat daw magpumilit akong makapasok ang mga blocmate ko sa loob ng Umali Hall para makapanuod ako.

Isang magandang girl at isang bibong lalaki ang napili nila this year. Madaldal ang dalawa at maganda ang mensahe nila. Saka ko na ilalagay dito ang sinabi nila pag me-video na sa youtube or something. Para cool di ba?

Sabi ni Ate Simone nagtaray pa daw siya sa mga batchmates niya noon. Marami daw nakakatanda sa kanya na hindi naman niya kilala. Instant celebrity pala pag ganun. Naisip ko tuloy dapat siguro kinarir ko noong PCO ko. Pero can't have regrets. Kasi me apat na taon pa ako dito sa UPLB, marami pang chance to shine.

Masikip man at maraming tao masaya naman ang Convo namin. Meron pa ring mga walang mods na nagtetext lang habang nagsasalita ang mga humans sa harap. Me mga dean, si Chancellor o Chancy andun, at me mga thunders na professors na nagsalita. Ang lahat ay pinagpupugay na nandito na kami sa UPLB at inuudyok kaming maging mga mabubuting Iskolar ng Bayan.

Gaya ng pakiramdam ko noong PCO, parang isang mahigpit at mainit na yakap ang naramdaman ko. Parang welcome na welcome ka, ika nga.

Ang kaso dahil hindi kami pareho ng bloc ni Esdee hindi ko siya nakita. Nag-text naman si Thea na nakita daw niya ako pero malayo ako sa bloc nito.

Nalungkot ako na magka-iba kami ng group ni crush. Nag-emo na lang ako ke Insan bago nagsimula ang mga speeches.

At ito ang reply niya.

"Sa dami ng magagandang CommArts, mamaya lang hindi mo na matatandaan yang crush mong ubod ng manhid."

Harsh ka talaga, cousin. Mahal ko un kahit ganun sha. Wag lang sanang me makaunang manligaw.  

I really need to shape up. Bawal sa UP ang TORPE. Tingnan mo si Oble, hindi shy.



No comments:

Post a Comment