Monday, June 27, 2011

UPLB MAP in 3-D?!


From UPLB BLOG

Mejo mas okay sana to. Kaso kailangan pa rin nating mamemorize ang mga buildings natin. Gogogogo, batchmates!

Elbi Nights by Hemp Republic

Elbi Nights by pinaywriter

Me pinarinig sa akin si insan kanta daw tungkol sa ELBI by Hemp Republic. Kinig kinig lang mga tol! 

Thursday, June 23, 2011

Room GUIDES - vetmed

San po ung *room letter and number* ?





Singko at Uno

http://www.facebook.com/dilimanrepublic

Singko = 5 = Fail 

Yan ang iiwasan ko sa ELBI. Sabi ni Insan mahirap daw itong iwasan kung magsasama-sama ang ilan o lahat ng mga factors na ito.

1. Terror Teacher
2. Katam na pumasok on time.
3. Katam na mag-aral ng subject na un
4. OA na load sa semester na iyon
5. Pa-easy-easy sa simula kumahog sa huling parte ng semester
6. Excessive absences (pero usually daw kasi forced drop lang ito *discuss ko un sa ibang time)
7. Bagsak portion sa mga exam na major or hindi nabawi ang isang Incomplete *(again more about that later)

Dapat daw ang goal ko ay ito


Ang mythical UNO

How to get it depends on the forces of the universe and a green lantern ring. Este. Ikaw lang at ang prof ang makakagets how you can get this.

Dapat daw:

1. Perfect ang alignment ng mga celestial bodies.
2. Great teacher = nice and lenient
3. No attendance checking (umatend ka o hindi ok lang pero usually cool ang class so wala masyadong umaabsent)
4. Sunog na mga kilay (not literal)
5. Busog kapag nag-eexam.

Galingan natin, bili kayo ng relo as well as tandaan ang mga alarm sa cell nyo. ^.^


Sunday, June 12, 2011

First Day Rain

Buti na lang nasunod kong dalhin ang #14 sa list ni Ate Simone.


MAKISUKOB WAG MATAKOT by DILIMAN REPUBLIC
Nagdala ako ng foldable na payong para sa first day ko. Ang gusto pa ni mama ung malaking payong na galing sa bangko ang dalhin ko. Sabi ko dyahe naman un.

Gusto ko sanang bumili ng UP umbrella pero saka na lang siguro.

Me nakita akong mga nagtatakbuhan at mga basa na. Feeling ko naman hindi na sila mga freshman. Ang ilang mga freshman basang sisiw pa rin kasi kahit na me payong sila, hindi ganun katubay kaya nabaligtad. Buti na lang naisip kong maglong-sleeves so hindi ako masyadong nilamig.

Dapat siguro magpabili ako me mama ng windbreaker or parka para mas astig. I am sure maiinis siya kasi mejo mahal pero sure naman akong magagamit ko ung sa stay ko sa UPLB. Sabi ni Kuya Gabs dapat daw adaptive ang mga students sa weather sa Elbi at mag-vitamins na rin kasi kung mahina ang resistensya mo hindi mawawala ang sipon mo kahit fresh air pa ang sinasagap mo.


Gusto ko ito simple lang.


 
Bagay to ke <3 Thea!


Meron akong nakitang mga hoddie at mga windbreaker na nabibili sa isang local store sa may grove. Try ko din mag-canvass dun pag me allowance na akong naipon.

For now, ok na ako sa payong ko. Buti na lang waterproof ang nirecommend na bag ni Insan ke mama. Kung hindi basa na agad ang mga gamit ko.

Kung blessing ang ibig sabihin ng ulan sa araw ng birthday ng isang tao, siguro ang malakas na ulan na ito ay blessing sa aming mga bagong UPLB students sa first day ng klase.

Basta daw ba mag-ingat ako sa mga nahuhulog na palapa ng "Beverly Hills" ng UPLB. Kasi hindi cum laude ang lagpak ko kundi comma.

So ingat mga kapwa ko Freshies! Paulanin natin ng happy memories ang first sem natin, k?


Tuesday, June 7, 2011

Wanted : UPLB BLOGGERS

I found a UPLB specific BLOG!!! http://uplbblog.blogspot.com/

Simple lang siya pero useful. I-bookmark nyo na. Me mga cute pa na pictures. ^.^

UP Los Banos Academic Calendar 2011-2012

Schedule of registration
First Sem, 2011-2012
Online Pre-reg
May 30, Monday – June 3, Friday (12:00 noon)
Online Change of Mat
May 30, Monday – June 3, Friday (12:00 noon)
Online confirmation of slots
May 30, Monday – June 3, Friday (12:00 noon)
Assisted enlistment
June 1, Wednesday – June 3, Friday (12:00 noon)
Payment of fees
June 2, Thursday – June 7, Tuesday
Start of classes
June 8, Wednesday
Last day of late reg
June 16, Thursday


http://uplbblog.blogspot.com/


I saw this here

Sana makahanap pa ako ng mga updated na UPLB bloggers / alumni blogs para we can ask them to tell the new peeps how awesome their ELBI LIFE were.

Of course dito pa rin ang office na .edu na website ng UPLB

Me alam pa po ba kayong alam na ibang mga blog, fanpage etc na pwedeng useful sa tulad kong Freshie? Exchange links tayo!!!

Just leave the link of your blog sa comment box. ^.^
At kung me pdf po kayo or scanned version ng A.Y. sheet ng 2011-2012, pa-email naman po sa iskolarngbayanuplb@gmail.com. Thanks.

AlmOSAlan, Campus Tour and Convocation : Intro

Super busy ako lately. Sinulit ko na kasi ang bakasyon ko. Bumalik na ako ng UPLB. Ga-dram ata ang iniyak ni mama nang iwan niya ako sa dorm. Nagkalituhan pa kasi me topak ata ang system ng dorm appointments and slots. Pero swerte naman na walang problema. Maraming mga nahaggard sa Systemone. Saka ko na lang daw un problemahin sabi ni Insan. Marami naman daw matatanungan na Gabay about that.

Nang gumising ako para sa AlmOSAlan, natuwa ako kasi FREE FOOD! Sabi ni Insan, mag-enjoy daw ako habang marami pang mga pakulo ng mga cheverloo para sa mga freshman. Nung sha daw ang "freshie" ay mga organization pa ang nagpapa AlmOSAlan. Pero sabi ni Ate Simone dahil me mga iba daw na org na hindi makagets na bawal mag-tap or recruit ng mga new freshman, ay minabuti na lang ng OSA na sila na lang ang bahala.

Sayang, sabi pa naman ni Insan super bundat daw siya nung AlmOsalan. After ng AlmOSAlan ay may convocation. Pero bago ang dalawang ito, merong CAMPUS TOUR. Mya ko na ikwento ang ginawa namin dun, k?

Sa dati daw na convo dalawa lang ang speakers. Parang sila ang BATCH REPRESENTATIVE ng batch na un. Nagiging DJ daw sa isang Freshman program sa Campus Radio ng UPLB ang dalawang iyon. *actually apat daw nung time ni Insan* Pero this time dalawa ang major speakers tapos me mga speakers per college. Para hindi ma-OP ung mga students na hindi kasya sa DL Umali Hall. Sabi ni Ate Simone mga blocmates daw nya ang hindi nakanuod sa kanya kaya dapat daw magpumilit akong makapasok ang mga blocmate ko sa loob ng Umali Hall para makapanuod ako.

Isang magandang girl at isang bibong lalaki ang napili nila this year. Madaldal ang dalawa at maganda ang mensahe nila. Saka ko na ilalagay dito ang sinabi nila pag me-video na sa youtube or something. Para cool di ba?

Sabi ni Ate Simone nagtaray pa daw siya sa mga batchmates niya noon. Marami daw nakakatanda sa kanya na hindi naman niya kilala. Instant celebrity pala pag ganun. Naisip ko tuloy dapat siguro kinarir ko noong PCO ko. Pero can't have regrets. Kasi me apat na taon pa ako dito sa UPLB, marami pang chance to shine.

Masikip man at maraming tao masaya naman ang Convo namin. Meron pa ring mga walang mods na nagtetext lang habang nagsasalita ang mga humans sa harap. Me mga dean, si Chancellor o Chancy andun, at me mga thunders na professors na nagsalita. Ang lahat ay pinagpupugay na nandito na kami sa UPLB at inuudyok kaming maging mga mabubuting Iskolar ng Bayan.

Gaya ng pakiramdam ko noong PCO, parang isang mahigpit at mainit na yakap ang naramdaman ko. Parang welcome na welcome ka, ika nga.

Ang kaso dahil hindi kami pareho ng bloc ni Esdee hindi ko siya nakita. Nag-text naman si Thea na nakita daw niya ako pero malayo ako sa bloc nito.

Nalungkot ako na magka-iba kami ng group ni crush. Nag-emo na lang ako ke Insan bago nagsimula ang mga speeches.

At ito ang reply niya.

"Sa dami ng magagandang CommArts, mamaya lang hindi mo na matatandaan yang crush mong ubod ng manhid."

Harsh ka talaga, cousin. Mahal ko un kahit ganun sha. Wag lang sanang me makaunang manligaw.  

I really need to shape up. Bawal sa UP ang TORPE. Tingnan mo si Oble, hindi shy.