Wednesday, May 25, 2011

DEVCOM FRESHIES READ UP

Nakakita ako ng isang freshman's guide para sa mga devcom. Sana me freshman's guide din ang lahat ng mga course noh? Yung tipong maraming tidbit of information.






Dahil communications major ako pwede ko rin i-apply ung ibang tips nila. ^.^






Dito nyo basahin, batchmates na Development Communications Major o DEVCOM students.

Thursday, May 19, 2011

Rules are Rules for a Reason

Masaya talaga makipagkilala sa mga kapwa freshman, meron akong nakasama sa pila ang pangalan niya Andy. Mukhang astig siya. Tinanong ko siya kung anong balak niya sa UPLB. Itinuro nito ang t-shirt nito. Me simbolo ng isang sikat na fraternity na kilala ko dahil un ang fraternity ng Tito ko na daddy ni Insan.

"Magpapa-welcome ako."

Hindi ko sya naintindihan kasi ang alam ko welcome naman lahat ng freshman. "Di ba me PCO na? Bakit magpapawelcome ka pa?

Natawa ito. "Sa Gamma Alpha Gamma Omega ako magpapa-welcome." Siyempre pumasa din ako sa UPCAT so na-gets ko na ang sinasabi niya.

"Di ba bawal un?" natawa uli ito.

"Sinasabi lang nila un. Freshman pa lang brod na ang kuya ko. Kaya ako rin. Gusto mo bang sumali para maging GAGO ka na rin."

"GAGO ka pala. Halika dito." Hindi ko nakita na nandun pala sa likod namin si Ate Simon at Kuya Gabs. Narinig ko pa ang mga sinabi ni Ate Simon. Si Kuya Gabs naka-cross lang ang mga braso "the muscle pose sya" si Ate Simon parang armalite ang bibig.

"The "people" whom you heard that this is hearsay clearly don't know that the hell they are talking about. Nakapila pa lang kami sa pagreregister sa first semester ay bawal na sumali ng frat o org ang mga new freshman. Pero taon-taon maraming tulad mo na nagbibingi-bingihan sa mga ganitong papaalala. I am tell you that the name and HORROR stories that I can write about the REAL THINGS that happened to REAL pasaways that joined organizations too early or too soon or too many can fill a whole set of encyclopedia that can fill the entire reference section of the main library. These is the stories that I know, heard, saw and eventually was too sick to even try to remember. Sa akin pa lang. And I experienced them too. So you better check yourself before you wreck yourself. YOU NEED TO THINK FOR YOURSELF. If gusto mong suwayin ito then pray really hard that no one finds out not one bruise not one squeak or not one tear of regret should be slighted to those innocent people who would listen to others who downplay the DIFFICULTIES pressed on a freshman who is starting a new life. This is where you are trained to be an adult. IN UP there are no sheep. We are the shepherds of our fate. In the real world there might gray areas but there are also rules to be followed. If you want to begin your journey in adulthood and independence by not trying to adjust first, find yourself and consider what the consequences of your actions are, go right ahead. But I implore you do not pollute those who are LEARN'ed of what should be done and what is true. Because some day you will a member of an organization. And you would be smart enough to choose the people who are both useful and means something in your life. And that will only be the case if you have something to offer them more than the form five and picture you can provide to beef up their org list. YOU CAN'T IF YOU ARE STILL A FRESHMAN OLD OR NEW. Your org and you would be in a big hairy mess if they pass your requirements so they won't. And what is the point of calling yourself a part of something that doesn't recognize you as a part of their group when you risk so much to be a part of them?

Do not be so gullible. If they really wanted, for real to be a part of their "family" or group or brotherhood or sisterhood or nerdhood then they will wait because you are worth it."

Lugong-lugo si Andy nang bumali sa pila. Ikaw ba naman ang magangbang ng dalawang peer counselors, hindi ka kaya manghina?

"Sasali ka pa?" tanong ko dito.

"Paki ba nila." kita ko ang determinasyon ni Andy na sumuway.

Nag-aalala ako.

Basta ako alam ko ang papakinggan ko si mama.

"KAPAG SUMALI KA SA FRAT FRAT NA IYON SA UNIVERSITY OF BAHAY ANG BAGSAK MO. Hindi kita pag-aaralin at baka ipadala pa kita sa bukid para magtigil ka. Maliwanag ba Francisco?"


Aba, maliwanag na maliwanag. Tanggal ang tutule ko sa lakas ng sigaw ng mama nun eh. ^.^

Wednesday, May 11, 2011

FRESHMAN TIP: Ate Simon's Survival Bag

Hindi ko mashadong idinetalye ang mga nangyari sa small groups dahil naisip ko na mas astig kung ihihiwalay ko sila ng kwento.

Sabi ko nga dati information overload ung isang oras na usapang iyon kaya isa-isahin natin ang natutunan ko.
Una naglabas ng isang maliit na backpack si Ate Simon at inilabas niya ng laman ng kanyang "Freshman Survival Bag"

Ang mga bagay na laman ng bag ay ang mga sumusunod:

1. 2 Ballpen

*tama si Insan dapat more than one ang ballpen na dala mo at all times*

Ate Simon: Dapat dalawa ang ballpen ninyo. Pwede blue, pwede black or parehong black or isang black at isang me glitters. Basta me isang black dahil minsan kailangan ninyong pumirma sa mga official na documents mas malinis tingnan ang black kesa sa neon orange na ballpen.

2. Blue Book

Ate Simon: Sa mga super newbies, ang Blue Book ang ginagamit na office "test paper" sa UP. So try nyo laging me blue book sa bag in case me test na unannounced o di kaya ay nalimutan niyo na me exam kayo that day. Ok lang walang aral basta me blue book. Magdala ng 2 para me mapahiram sa katabi or in case uulit kayo dahil wala kayong nasulat na matino sa unang essay na sinulat ninyo.

3. Nissin Wafer

Ate Simon: Less than 30 pesos ang isang pack nito. In case magutom kayo at wala kayong makain dahil naubos nyo na ang baon ninyo, at least me pantawid kayo ng gutom until makuha ninyo ang baon na ipapadala ng inyong mga parentals. This wafer saved my life and helped some of my hungry classmates through a lot of sudden gutom moments.

4. Spill-proof water tumbler/bottle

Ate Simon: Lock and Lock ang the best na brand kasi super spill proof talaga sha. Unless ibato ninyo sa ibang tao, bago dugo ang mag-spill. Wag un sports bottle ng Lock and Lock, epal un. Natulo pa rin. Ung blue ang takip at walang strap. Bumili na lang kayo ng bag na me saksakan ng bote o di kaya hayaan nyo na lang na aalog-alog sa bag ninyo ang bote na yan. Pwede rin na me lalagayan kayo ng bote na "pawis proof" ika nga. Never hurts kasi baka mabasa ang mga papers nyo, mahirap na.

5. Coin purse

Ate Simon: It never hurts to be safe. Ilagay ang lahat ng barya sa isang lugar para hindi na magbubuklat ng wallet pag nagbabayad sa jeep. Kahit sa probinsya me mandurukot. Sayang ang wallet.

6. Yellow paper

Ate Simon: Kung ayaw ninyong magnotebook ok na dito magnotes, para madaling ipaxerox. Pero siguraduhing me copy kayo para hindi mahirapang mag-aral kapag finals na.

7. Handy-dany notebook / organizer

Ate Simon: Dito pwede isulat ang mga number ng mga tao na makikilala ninyo, schedule ng exams, project, urls ng website, book number, pangalan ng prof, contact numbers ng mga classmates, doodles ng mga pangalan ng crush, presyo ng mga pagkaing nagustuhan ninyo. Pwede rin kayong magkeep ng sarili ninyong diary. Wag nyo nga lang iwawala ang notebook na ito, baka me ma-scandal sa inyong mga sinulat.
Pwede rin itong sipitan ng mga 1x1 picture, class card at kung ano-ano pa.

8. Index card

Ate Simon: Mahilig magpaganito ang mga teacher lalo na sa mga freshies at large class. Way nila ito so hindi nila kailangang mag-save ng name ninyo sa utak nila. Dito ninyo isusulat ng mga info na kailangan nila like name course etc. Me kasama itong picture so magdala na rin kayo ng glue o maliit na stapler.

9. School Supplies kit

Ate Simon: Kailangan niyo ng glue, maliit na stapler, gunting na folding o mas malaki kung trip nyo, highlighter, higlighting pencil, eraser na pwede sa pen or pencil, white out na tape o ung pen, scotch tape, double-sided, bala ng stapler, at kung ano pa mang maisip ninyong dalhin. Kung artist kayo pwede kayong magdala ng charcoal pencil at kung anu-ano pang trip ninyong dalhin.

Hiwalay pa ito sa kikay kit, ha. Ung bahala na kayo sa kung anong gusto nyong dalhin.

10. Emergency Kit

Ate Simon: Wala na kayo sa bahay. Ako nung dumating ako dito hindi ko alam kung anong gamot ang dapat inumin pag me sakit ako. So ang ginawa ng nanay ko me instructions na nakalagay sa plastic at me mga common na gamot na nakalagay dun. Marami na akong napautang ng gamot dahil noon. Kung me special kayong gamot or me allergies kayo that would come in handy.

11. Kikay kit / Travel toiletries

Ate Simon: Sa apat or so ninyong taon dito sa UPLB, hindi iisang beses na kakailanganin ninyong makitulog sa bahay ng kaklase ninyo dahil sa report, project or kung ano pa mang dahilan. Kaya dapat nasa bag ninyo ang essentials ninyo para makapagtoothbush o magkapag-ayos para makapasok sa class ninyo the next day. Hindi rin impossible na magkaroon ng biglaang ligo time sa mga hot springs dito.
Dadagan

12. Condoms

*actually nasamid ako nang makita ko na condom na Trust pala ang nasa blue na box na iyon. Strawberry flavor pa!

Ate Simon: UPLB was known as an abortion capital a few decades ago. All of your parents are scared that you would either get pregnant or knock someone up. Kaya mas maiige na ang nag-iingat. Pero ang mas maganda ay maghintay kayo ng tamang pagkakataon kung kailan handa na kayo sa consequences ng inyong actions. Kung me tanong kayo, si Kuya V, sex therapist sha. So sya ang kausapin nyo.
Siguruhin alisin ito sa bag bago umuwi ng weekend sa bahay ninyo or baka i-pull out kayo ng mom nyo from UP.

13. I.D. or any identification

Ate Simon: Mas maganda na me extra kayong ID kahit postal ID lang sa lugar ninyo dahil kung maiwala ninyo ang student ID ninyo me extra pa kayong identification. Mas madali ding magbukas ng cash card or bank account sa bank. Para sa mga walang ID lard or ung pangsabit ng student ID bumili na kayo. Kung marunong kayong gumawa ng friendship bracelet, pwede kayong gumawa ng mas mahabang ganun. Wear your ID proudly and don't loose it. Nakakaloka ang palitan iyon. K?

14. Foldable na payong

Ate Simon: Eratic ang weather dito sa ating maligayang bundok. Minsan mainit sa umaga tas uulan sa hapon. Magaling na ang me protection. Wala akong pake kung Fibrella man yan o ung tig-sisingkwenta pesos lang pero have an umbrella. You will keep this habit kahit na saan kayo mapunta, it'll come in handy, pramis.

15. Extra tsinelas

Ate Simon: You can never can tell. If me lab kayo nakarubber shoes kayo dapat or closed shoes pero kapag nasa labas na kayo hassle minsan magsapatos so might as well have slippers. At in case mapigtal ang pa-cute nyong sandals ay hindi kayo magtatapak.

16. Tissue or panyo or maliit na towel

Ate Simon: Again, in case makitulog kayo at least me pangpahid kayo pag nakiligo kayo. Or dahil sa sobrang init dito, you need something na pamunas sa balde-baldeng pawis nyo.

+==+

Napaisip ako ng kung ano pa ang pwede kong ilagay sa bag ko pero para un palang mabigat na. Shempre pa mga books din at mga xerox ng hand-outs. Kung gusto ko daw magdala ako ng "file case" para sa mga bagay na ayaw kong mabasa sa bag ko. Extra ingat na rin daw un.

Kayo, ano pa ang pwedeng ilagay sa survival bag nyo?


Tuesday, May 10, 2011

PCO: Bromance vs Romance

Pagkatapos pumila at magparegister, tumaas na kami ni mama. Sa Makiling Ballroom daw kami. Maluwag naman ang lugar pero hiwalay ang parents sa aming mga freshman. Mejo marami na ring mga freshman duon kaya hindi naman ako naasiwa. Ang the best sa lahat, AIR-CON ang lugar! Pakiramdam ko ice cream akong natutunaw kanina sa sobrang init. Napa-haaaay ako nang maupo ako sa silyang malapit-lapit sa aircon. Me tumayo sa tapat mismo ng aircon, amoy pawis sha kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang init dito noh?" nakangising tanong nito na patuloy pa rin ang pagpupunas ng pawis. Natanong ko sa sarili ko kung naligo ba ito. Amoy kili-kili na ang paligid ko. Naglabas ako ng Ax at inabot dito. Natawa ito saka ginamit ang chocolate scent na AX ko. Natawa din ako kasi akala ko talaga sasapakin niya ako.

"Salamat ha, amoy anghit na talaga ako. Ang init kasi sa labas, pawisin pa naman ako. Esdee, pare." Hindi ko siya makakalimutan kahit kelan dahil si Esdee ang una kong nakilala sa UPLB.

BS Biology ang kurso niya. Mejo nagtaka siya kung ano ang Communication Arts. Sabi ko gusto kong maging writer kaya ang balak kong major ay Writing. Hindi pa niya alam kung anong kukunin nyang major, saka na daw niya iisipin.

Nang sinabihan kami ng emcee ng PCO na kailangan naming makakilala ng labinlimang tao nagtandem kami ni Esdee sa pagpapakilala. Syempre sa mga girls muna kami lumapit, para daw sulit sabi niya dahil hindi na kami magkakaroon ng free pass na magpacute sa ibang pagkakataon. Kahit cp number hinihingi ni Esdee. Kahit hindi ganun kaganda, sinusulat nito ang number sa isang maliit na moleskin na notebook. Kulay green iyon at mejo me kakapalan.

"Bakit kinukuha mo ang number nilang lahat? Itetext mo ba lahat ng mga iyon?" tanong ko sa kanya. Umiling ito. "Eh, bakit mo pa kinukuha?"

"Para hindi halata na ung mga magaganda lang ang gusto ko." natawa ako sa sinabi ni Esdee. Mukhang chickboy ang isang to, sabi ko sa sarili ko. "Ikaw ba, nagka-gf ka na ba?" tanong nito.

"Ha? Hindi pa eh. Pero me girl akong gusto nung highschool. Dito rin siya mag-aaral." nanlaki ang mga mata ni Esdee sa sinabi ko.

"Talaga, ang swerte mo naman!" nasaway kami ng isang Ate na Gabay dahil sa hindi kami masyadong nakikinig sa nagsasalita sa harap. Nakakahiya!
Pagkatapos noon ay nakinig muna kami at saka naghiwalay para sa tinatawag nilang "small groups".

Naupo kami sa ilalim ng isang puno ng acacia. Buti na lang kasi nag-aalala ako na baka wala kaming maupuang malilom. Me isa akong kasama na nakaputing pantalon, ipinahiram ko ang panyong pinadala ni Insan. Nagpasalamat siya sa akin at sinabing hinding-hindi na siya magpuputing pantalon mula sa araw na iyon. "Hindi, bagay naman sa iyo. Hindi lang bagay sa pagkakataon."

Ang GABAY namin sa small groups ay si Kuya Gabs at Ate Simon. Marami silang naituro sa amin at marami sa mga katanungan ko ang nasagot. Isa sa pinoproblema ko talaga ay ang ibig sabihin ng mga abreviation sa classroom na nasa tinatawag na "form 5". Un ang unang beses kong narinig ang terminong iyon kaya nagtaka ako kung ano ba yung sinasabi nilang "form 5". Importante daw na huwag namin iwala ang original niyon dahil sa ibang mga subjects pipirmahan ng teacher ang tabi ng subject sa form 5 para maverify na nagbayad talaga kami ng buo bago nag-exam.

Sa dami ng mga paalala ni Ate Simon at Kuya Gabs, feeling ko information overload ang inabot ko. Isang oras na puno ng mga policies, reminders at pati na ang mga jokes at bully stories na nararanasan ng mga freshman. Sobrang daldal ni Ate Simon. Si Kuya Gabs naman sobrang kwela. Para silang nagkokomedy duo sa harap namin. Noon ko lang narealize na minsan pwede kang matuto kahit makulit ang mga teacher.

Lumipas ang umaga na hindi ko naaalala si "Crush" hanggang nakita namin sila ni mama. Kasama niya ang mom at dad niya sa pag-eenrol. Mukhang nag-kotse sila papuntang UPLB kaya kasama ang tatay niya.

"Tapos ka nang mag-enrol?" tanong nito.

"Oo, regd na ako."

"Regd?" nagtaka ito sa sinabi ko.

"Un na daw ang tawag eh hindi enrolled. Registered." mejo mayabang ako kasi ako nakapag PCO na at si Crush hindi pa.

"Wow, wala pang isang araw ang dami mo na atang alam ah." hirit niya sa akin.

"Oo, nag-PCO kasi ako. Attend ka ha?"

"Baka naman boring sayang ang oras." mukhang ayaw ni Crush umatend ng PCO.

"You'll miss half of what you need to know if you don't." me narinig akong humahangos papunta sa amin. Si Esdee!

"Bro, nang-iiwan ka naman." habol nito ang hininga saka napanganga nang makita si Crush.

"Oh, hi. Ako nga pala si Esdee. BS Biology." inoffer agad nito ang kamay ke Crush na nakipagkamay din.

"Thea. Math and Science Teaching."

Uh-oh. Parang me mali.

"Sige, Thea. Una na kami ni Esdee. Baka hinahanap na siya ng nanay niya."

"Teka lang hindi ko pa-" Alam ko nang number ni Crush ang hihingin nito kaya inilayo ko na agad si Esdee. Mahirap na.



Sunday, May 8, 2011

Isko's PCO : En Route from Batangas

Excited na excited ako kaya hindi ako masyado makatulog the night before. Borlogs pa ako pero dahil alas-kwatro na ay ginising na ako ng mama. Gustuhin man naming mag-drive papuntang UPLB gusto ng mama na matutunan kong mag-byahe kaya't napagdesisyunang mag-bus na lang. Kasama dapat si Insan pero tinatamad siyang gumising ng maaga, binigay na lang niya ang instructions sa mama.

Sumakay kami ng bus na papuntang Turbina. Sabi ni Insan HUWAG DAW KAMI SASAKAY SA MGA ONE-STOP na bus dahil hindi daw un nadaan ng Turbina. Bumaba kami ni mama sa may gas station sa tapat ng JAM na station sa me TURBINA para makasakay ng Jeep na papuntang College. Mag-ingat daw kasi sa sasakyan kasi dati daw nakasakay si Insan ng Jeep na papuntang Balibago. T_T

Mejo mabilis naman ang biyahe kaso mejo mainit. Nang makarating sa Crossing Calamba ay na-realize ko na ang Laguna ay para lang Batangas, me mga parteng parang bukid na kasama na sa geography ng mga mismong siyudad.

Nakakatuwa naman na me SM CALAMBA na pala. At least hindi na ako uuwi or pupuntang Manila para manuod ng sine. Naisip ko kung me SM din sa me Los Banos. Sana me matinong sinehan dun. Mejo malayo kasi mula sa Calamba eh.

Nang makarating kasi sa me gate ng UPLB nagtaka ako kung bakit wala talagang gate. Nagtanong pa kami kung saan ang gate ng UPLB. Sabi ng guards na pulis pala (UPF ata ang tawag sa kanila. Later nalaman ko na Pigoy pala ang tawag ng mga studyante sa kanila) na nandun na daw kami sa gate. Kita na namin ni mama ang malaking sementong pangalan ng U P Los Banos.

Mukhang malaki talaga ang magiging bago kong school. Nagtanong kami ni mama kung saan ang Student Union Building at ang sabi ni Manong Pigoy mejo malayo daw lakarin so kung gusto daw naming mag-jeep eh sa kanan kami sumakay. Mejo nalito kami ni mama sa sinabi ni manong. Pero sumakay pa rin kami sa may dilaw na waiting area. Dun daw kasi dapat pumara at bumaba.

Tinanong ni mama kung saan daw ang Student Union Building sa driver na nagngangalang Kuya Third. Nainterview na ni mama ang driver bago pa man nakaalis ang jeep sa hintayan. Dati daw student ng VetMed si Kuya Third at nag-iipon siya para sa pagpapatuloy nitong mag-aral. Ako naman tahimik lang, mejo scary kasi si Kuya kahit na lagi syang nakangiti.

Pinababa kami ni Kuya T sa me harap ng isang field. Sabi niya maglakad na lang daw kami mula duon dahil hindi pwedeng lumiko ang jeep niya sa gitnang kalsada. Nakita namin ni mama na me mga pamilya at mag-iina na ring pakalat-kalat sa harap ng isang puno ng Acacia.

Bumaba kami sa hadgan papunta sa isang pababang garden. Iyon ang unang beses na nakatungtong ako sa tinatawag nilang S.U. Building.

Ang una kong naisip at tinanong sa mama ko, "San kaya ang banyo dito?"

Thursday, May 5, 2011

PCO: To go or Not to go

Nang matanggap namin ang sulat me mga kasamang mga papel na me instructions at date kung kelan pupunta ng UPLB. Me nakita akong Pre-college orientation sa listahan. May 7 ang Pre-College Orientation ko.

Tinanong ko ang pinsan ko kung ano ung Pre-College Orientation.

Pinsan: Ah, PCO? Ang alam ko me games na konte tapos me mga makikilala kang mga volunteer. Ang natatandaan ko me isang guy na nagsalita tungkol sa mga services ng OSA dun, Office of Student Affairs un. Under ng CTD un o Counseling and Testing Division. Later me bloc meeting din un. Naalala mo ung t-shirt kong me mushroom? Bloc shirt namin un.

Isko: Pwede bang hindi na umatend nun? Sayang ang oras eh. Ayaw din ni nanay umatend ng Parent's Orientation eh.

Pinsan: *tawa* Naku paatendin mo si tita dun. Me kaibigan akong GABAY, un ung grupo ng mga volunteer sa CTD na naghahandle ng PCO at ibang freshmen activity, na nagsabi na sinasabihan daw ang mga magulang na taasan ang allowance ng anak nila kasi malayo na ang school ngayon.

Isko: Okay un ah. Sige. Si mama papapuntahin ako maglilibot na lang ako.

Pinsan: Umatend ka na. Si "crush" aatend din un for sure. Bonding time nyo na rin.

Isko: Hindi kami pareho ng araw ng PCO eh.

Pinsan: Sayang naman...pero umatend ka na rin. Malaming naman kasi aircon. Sobrang init sa UPLB pag summer. Parang piniprito ka lang. Magdala ka ng tubig, panyo at payong.

Ayon ke pinsan ito ang mga dapat gawin:

1. Huwag magpahuli sa registration.

Marami daw tao kaya dapat na magparegister ng maaga para me maupuan agad ako.

2. Suutin ng maayos ang name tag.

Para daw instant sikat ako dahil ISKO ang nickname ko wag ko daw ikahiya. *pero ang balak kong palitan ang nickname ko ng Fran dahil college student na ako dapat lumevel up*

Wag ko daw kalimutang hubarin pag tapos na ang PCO kasi baka daw sumikat ako masyado.

3. Huwag kung saan-saan ilagay ang gamit.

Huwag ko daw iwala ang mga papeles ko at baka hindi ako makapag-enrol kung saka-sakali. Kung pwede daw sa mama na lang muna ang mga papeles para hindi mawala. Ipaxerox daw namin para hindi kailangang ilabas ang orig palagi. 

4. Mag-enjoy lang at wag KJ.

Sabi niya me mga parts daw na hindi ganun ka-fun pero madalas sa hindi ay me mga cute na batchmates na pwede kausapin. Makipagkilala daw ako sa maraming mga magaganda at sa mga mukhang matalino. Wag daw akong killjoy para maenjoy ko ng totoo ang PCO. Wag daw akong magpadala sa mga sinasabi ng iba. Kumbaga sa pelikulang INCEPTION, pwedeng ang maganda sa akin hindi magets ng iba.

5. Makinig ng mabuti

Sabi ni Insan dahil marami na rin siyang hindi alam kung tama pa ay dapat makinig daw ako ng mabiti. Mejo pigilan ko daw na antukin kapag nakapatay ang ilaw at makinig ako sa mga sinasabi ng magsasalita kasi mas mabuti na daw na alam ko para hindi magkamali ng hindi sinasadya.

6. Magtoothbrush bago pumunta

Marami daw akong makikilalang bagong tao, dapat daw hindi bad breath. First impression might be the last daw. Sayang naman kung ang matatandaan lang nila sa akin ay ang amoy bawang kong bibig dahil sa sinangag (garlic rice) na kinain ko. Sayang naman.

7. Magdala ng tubig at 2 panyo.

Kung sakali daw na uupo kami sa damuhan mas ok na me dala akong panyo na pwedeng upuan. At sa sobrang init, kailangan kong magpunas ng pawis maya't maya kaya magdala na lang daw ako ng panyo kesa tissue. Biology kasi ang tinapos ni Insan. Adik un sa pagiging environmentally-friendly.

At mahirap daw na patayo-tayo so para hindi na kailangang bumili ng tubig sa kalagitnaan ng mga kaganapan, magdala na daw ako ng sarili kong tubig.

8. Magdala ng dalawang ballpen.

Ang pinakamadali daw na way para magkaroon ng bagong kaibigan sa unibersidad ay ang magdala ng extrang ballpen sa lahat ng pagkakataon. Kasi kung me taong hindi makasulat dahil walang dalang ballpen, pwede ko raw pahiramin. Kung nagkataon daw na cute ung hihiram, swerte ko pa raw.

Wag lang daw ung Parker na regalo nya ang ipahiram ko kasi baka hindi na ibalik.

9. Huwag daw magtatakong (read as high heels shoes)

Hindi ko alam kung bakit naisip na sabihin sa akin ito ni Insan. Pero sabi niya nung siya daw nakawedge noong PCO nya at nahirapan siya kasi malayo-layo ang nilakad nila papuntang SU (kung san man un) at muntikan na daw siyang umayaw dahil sa sakit ng paa nya.

10. Wag ma-culture shock

Nung unang dating nya daw doon parang probinsya rin nga pero ang mga tao daw me pagka-kakaiba. Wag daw akong matakot kung parang naka-asukal ang mga tao o di kaya ay hindi namamansin at laging nagmamadali. Ang UPLB daw ay isang welcoming na community basta raw matuto ako ng mga basics na dapat gawin o hindi gawin. Kung me tanong daw ako, itanong ko agad kesa me kakaiba pa akong magawa ng hindi sinasadya.

11. Pakipot muna sa mga organizations

Wag ko daw ibigay ang number ko kahit me cute na ateng lumapit sa akin para tulungan ako kuno sa pagpasok ko sa university. BAWAL DAW SUMALI NG ORGANIZATION ANG ISANG FRESHMAN. Pasaway kasi si Insan kaya ginawa nya pa rin un dati. Ung mejo naging tagilid ang mga grades nya ng sem na un. Galit na galit daw ang daddy nya. Saka na lang daw ako sumali ng org or magpa-cute sa ibang tao. Sa mga kapwa ko freshmen ko muna daw ako magpa-cute.

12. Maging Bibo

Okay lang daw maging bibo sa pakikinig at pagtatanong basta wag daw OA. Tandaan ko daw na ilang taon ko ring magiging schoolmate ang mga makikilala ko dun. Me kakilala daw sha na nahulog sa hagdan sa kaharutan hanggang ngayon tanda pa rin niya un tungkol sa taong un. Wag daw akong mag-Miriam Quiambao. Nakakahiya.

13. Taas Noo (si) Isko ako

Maging proud daw ako at buksan ang isip sa ganda ng UPLB. Wag daw akong mahiya na hindi ako sa Diliman mag-aaral. Kasi pare-pareho lang naman daw kaming Iskolar ng Bayan. Ang kagalingan daw ng isang unibersidad ay ang puso ng mga mag-aaral. Maging bukas daw ako sa lahat ng bagay na kaakibat ng pagiging isang UPLB student.

*Excited na tuloy akong pumunta ng UPLB. Hindi na lang ako maniniwala dun sa nabasa ko sa Facebook na boring ang PCO. Siguro tama si Insan, iba-iba tayo ng karanasan. Kung nega kang tao pwes malamang sa hindi nega din ang dating nga kahit anong magandang pangyayari sa iyo.

Hindi naman ako nega na tao, so mag-eenjoy na lang ako.

ISANG PUTING SOBRE

Sa mga pelikula kapag pumasa ka malaking package ang matatanggap mo. Kaya nang isang maliit na sulat lang ang natanggap namin mula sa UP mejo pinanghinaan ako ng loob.

Hindi ko binuksan ang sulat dahil ayokong malaman na hindi naman ako nakapasa. Buti na lang hindi pa nalaman ng nanay ko na dumating na ang sulat.

Nang dumating ako sa school ay nagtatanungan na ang mga kaklase ko kung nakapasa ba sila o hindi. Ang lagi kong sagot "Hindi ko pa kasi nakukuha ung sulat." Me isang kaklase ako na biglang nagsabi, "Me listahan nun sa internet. Patingnan mo na lang. Gusto mo tingnan ko?" Napatayo ako nang malaman ko iyon. Tiyak na titingnan ng pinsan ko ang pangalan ko sa listahan. At kung wala ako sa listahan, malalaman ng nanay ko at ng mga lolo ko.

Hindi ako mapalagay ng buong araw. Kahit tinatawag ako ng teacher wala akong maisagot. Mukha siguro akong may sakit kaya sinabihan ako ng teacher na magpahinga muna ako sa clinic kung masama ang pakiramdam ko. Para kasi akong masusuka na nahihilong mainit ang pakiramdam. Akala nila me lagnat ako. Sa totoo, me UP fever ata ako.

Nasa bulsa ko pa rin ang sulat hanggang nasa clinic ako. Pilit kong sinipat-sipat ang mga nakasulat sa loob pero hindi ko makita kung nakapasa ba ako o hindi. Sinubukan kong wag na lang isipin pero nang maidlip ako parang babangungutin ako sa takot na hindi ako nakapasa.

Nang mag-uwian nilapitan ako ni crush. Tinanong niya kung me oras daw ba ako. Me sasabihin daw siya sa akin. Mukhang paiyak na ito kaya hindi ko siya natanggihan. Ayoko kasing makikitang umiiyak ang sinumang babae. Sabi ng nanay ko dahil daw lahing maginoo talaga kami, hindi nagpapa-iyak ng babae.

Sa ilalim ng pinakamalaking acacia sa aming school, naupo kami sa mga sementong silya. Actually, mga labis na foundation ata un at inilagay lang duon para me maupuan.

Hinarap niya ako at nakita kong pinipigilan niya ang sariling umiyak kaya inunahan ko na siya. "Hindi ko pa binubuksan ang sulat galing sa UP kasi pakiramdam ko ay hindi ako nakapasa." Inibot ko sa kanya ang sulat at saka nagpatuloy, "Ikaw na lang ang magbasa."
Hindi man siya sumagot ay binuksan naman niya iyon. Nagliwanag ang mukha nito at saka humarap sa akin ng nakangiti. "Pareho tayo ng campus na pinasahan."

"Nakapasa din ako sa UP Diliman?" umiling siya sa tanong ko.

"Kaya ako naiiyak kanina kasi sa UP Los Banos ako nakapasa. Akala ko wala akong kasama. Lahat kasi ng mga kaklase natin kung hindi man nakapasa ay sa Diliman mag-aaral. Akala ko mag-isa lang ako. Ikaw rin pala."

Napabuga ako ng hangin saka napangiti, "So wag ka nang umiyak ha, kasama mo ako sa UPLB. Akong bahala sa iyo."



TO UPCAT OR NOT TO UPCAT

Hi, Ako nga pala si Francisco Lar. Ang tawag sa akin ng mga tropa ko sa Batangas, Isko. Ang bantot no? Si Lola kasi pinangalan ako sa lolo ko. Pati ba naman nickname ay binigay din sa akin.

Frustrated magsasaka ang lolo ko. Muntikan na siyang mag-Agriculture sa UPLB dati pero hindi siya pinayagan ng lola ko sa tuhod kasi baka daw maging NPA ang lolo ko. Kaya nun nagpilian ang mga kaklase ko ng campus para sa UP, sila UP Diliman ang unang pinili pero ang lolo ko sabi UPLB daw ang piliin ko. Ayoko actually. Kasi ung crush ko sa UP Diliman gustong mag-aaral. At saka sa Batangas, sikat ang mga nag-aaral sa Maynila. Taga-probinsya na nga kami sa probinsya pa rin ako mag-aaral? Sinabi ko sa nanay ko ayaw ko sa UPLB mas gusto ko sa Maynila mag-aral. Pero sa huli, binolpen ng nanay ko ang first campus na UPLB kesa UP Diliman. *sikreto lang natin to pero balak kong magpalipat sa UPD pag pwede na...shhh*

Me pinsan kasi akong nag-aral ng UPLB. Sabi nya mahirap daw ang Math 11 dun. Eh hindi ko naman forte ang math baka hindi ako maka-graduate kaka-ulit ng Math ko. T_T, Pero sabi naman ng pinsan mo masaya daw dun. Anong masaya na mag-aral sa bundok? Taga-kapatagan na nga kami eh pupunta pa ako ng bundok?

Tapos gusto kong maging manunulat. Ayaw naman ng nanay ko. Pero sinabi ko na lang sa kanya na mas madali ang math ng Communication Arts. Pero sabi ng pinsan ko puro mga bakla daw ang lalaki sa course na un. Pero maganda daw ang mga babae dun. *kislap ng mata* Magandang...motivation un, right? *iling* Hindi loyal ako ke crush!

Naisip ko nang patagong kumuha ng test sa ibang mga course. Testing center naman ang school ko kaya hindi mahirap un. Kaso kailangan ko ng pera para makapag-apply at pambayad sa entrance test. Okay rin un no, nagbabayad para sa isang test lang. Ako na nga ang mahihirapan sila pa ang babayaran ko? Astig.

Nang araw ng test katabi ko si crush. Sabi ko sa kanya "Break a leg." Mahilig kasi sya sa pagsali ng mga play kaya lagi din akong parte ng production. Pero usually taga-buhat lang ako ng mga props. Pero at least kilala niya ako at "friends" kami.

Sana lang pumasa siya sa UP. Para kapag pwede na pupuntahan ko siya sa UP Diliman at hindi na kami alangan.

Sabi ng pinsan ko galingan ko daw ang pagsheshade kasi pag hindi maayos kahit ok ang sagot ko, mali pa rin. *shades*

Hmm...papasa kaya ako?